Sunday, June 24, 2018

Mabuti at Masamang Epekto ng Teknolohiya sa Kabataan.



           Ang Teknolohiya ay isang gamit kung saan nakakatulong para mapabilis ang ibat-ibang gawain ng isang tao sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. At sa panahon ngayon napakarami ng gumagamit nito, isa na dun ang Kabataan. Sa pag gamit ng teknolohiya ay may magandang epekto at meron ding hindi magandang epekto. 

         Isa sa mga magandang epekto ng teknolohiya sa ilang kabataan ngayon ay ang mas mapadali ang kanilang gawain o kaya makakatulong din itong makipag komunikasyon sa ibang tao o sa kanilang mga kamag anak na nasa malayong lugar at ginagamit din ito upang makakuha pa ng ibang impormasyon. 

         Ngunit ang labis na pag gamit nito ay may masamang epekto sa ilang kabataan, Sila ay naa-adik na kakagamit nito. Lalong-lalo na sa paglalaro ng mga "Online Games" tulad ng Mobile Legends, Rules of Survival at iba pa. Kakalaro nila ng mga yan, napapabayaan na nila ang kanilang Kalusugan. Mas gusto nilang maglaro na lang kaysa kumain sa tamang oras. Hindi lang kalusugan ang napapabayaan kundi isa na din dito ang kanilang Pag-aaral. Mas pinipili ng iba ang maglaro  kaysa pumasok sa eskwela. 

         Bilang isang kabataan. Nais kong malaman nyu na hindi masama ang paggamit nito ngunit ang masama ay ang labis labis na pag gamit at ginagamit ito sa mga walang kwentang bagay. Tandaan! Lahat ng Sobra, Masama. Ang kailangan lang ang tamang pag gamit nito at tamang oras na ilalaan mo sa pag gamit nito. 

       Ang Teknolohiya ay hindi ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may mabuti o masamang epekto ito sa kabataan. Tandaan sa pag gamit sa teknolohiya ay may kasamang displina.